MANILA, Philippines - Nahaharap sa pagkasibak bilang pulis ang may 387 police trainees mula sa iba’t ibang training camps sa bansa dahil sa umano’y naganap na dayaan sa nakalipas na 2011 police entrance examination.
Ang 387 police trainees ay ilan lang sa libong aplikante na kumuha ng police entrance test noong Abril 17, 2011 sa iba’t ibang examination centers sa buong bansa.
Nag-utos na ang National Police Commission (Napolcom) ng imbestigasyon matapos na madiskubre na may naganap na kopyahan sa mga examinees.
Nag-isyu na ang Camp Crame at Napolcom ng isang resolusyon sa pagsibak sa lahat ng mga police trainees na sangkot sa dayaan mula sa kanilang training camps.
Ang mga police trainees ay nasa floating status at inatasan na mag-report sa kanilang mga Regional Police Human and Management Division (RPHMD).