UST coed nahulog sa ika-4 palapag ng gusali ng campus

MANILA, Philippines - Pagkalipas ng 5 oras na nakikipaglaban sa kama­tayan ay tuluyan nang bi­nawian ng buhay ang isang 19-anyos na biologist UST student na umano ay nahulog mula sa ika-4 palapag ng main building ng unibersidad kamakalawa sa Sampaloc, Maynila.

Ang nasawi ay kinila­lang si Jonah Ortiz, 19, na nagkabali-bali ang buto sa pagbagsak nito sa sementadong bakuran ng campus.

Batay sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon ay naka­rinig ng malakas na kalabog mula sa main building sa kaliwang bahagi ng campus ang ilang propesor ng civil law at mga es­tudyante.

Hindi ito agad naipa­alam sa pulisya kaya’t huli na nang malaman na may naganap na insidente.

Ang biktima ay namatay dakong alas-7:40 ng gabi.

Show comments