^

Police Metro

6 gun-for-hire napatay

Ed Amoroso at Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang lider ng gun-for-hire at lima ni­tong tauhan ang na­patay  sa  pakikipag-engkuwentro sa mga pulis kahapon ng umaga sa kahabaan ng Barangay Lecheria, Calamba City, Laguna.

Kinilala ni Chief Superintendent Abner Dimabuyu, Deputy  Regional Director for admi­nistration 4A, ang limang napatay na sina Nestor Pera ‘Banog’ Jr, lider ng “Batang-Kubo” gang; Romeo Leviste Sagun; Alwin Magbujos Baldeo; David Mark Sanding Basa at Jose Sonny Bruel Mendoza. Habang inaalam pa ang pangalan ng isa nilang kasama.

Narekober sa mga suspek ang tatlong .45 pistol; 9mm; baby armalite; at mga sketches ng mga target nilang biktima; mga bala at bull cap na may tatak na “NBI” at sasakyan nilang brown Toyota Innova (TD1214) na gamit nila sa krimen.

Ayon kay Senior Su­perintendent Fausto Manzanilla, Laguna police director, na ang mga suspek ay sangkot din sa  pagpatay sa isang pulis na si  Romeo Creste sa bayan ng Cabuyao may tatlong linggo na ang nakakalipas.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang pulisya mula sa kanilang tipster sa Batangas dakong alas-2:00 ng madaling-araw tungkol sa mga suspek na patungong Laguna.

Kaya naman ay nagsagawa ang Calamba police force kasama ang Regional Special Operation Group 4A ng  isang dragnet operation at checkpoint sa  boundary ng Laguna at Batangas.

Pagsapit ng alas-8:30 ng umaga ay naharang ng pulisya ang brown Toyota Innova (TD1214) na may sakay ng anim na suspek sa kahabaan ng national road, Barangay Lecheria malapit sa sementeryo at squatter area.

Sa halip na huminto at bumaba ang mga suspek ay pinagbabaril umano ng mga ito ang mga pulis na gumanti ng putok at ang bakbakan ay tumagal ng mahigit 15 minuto. (Dagdag ulat ni Cristina Timbang)

 

ALWIN MAGBUJOS BALDEO

BARANGAY LECHERIA

BATANGAS

CALAMBA CITY

CHIEF SUPERINTENDENT ABNER DIMABUYU

CRISTINA TIMBANG

DAVID MARK SANDING BASA

TOYOTA INNOVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with