Banal na misa babaguhin
MANILA, Philippines - Kasabay ng pagdiriwang ng unang Linggo ng advent ay ipatutupad na ng Simbahang Katoliko simula sa Disyembre 2 ang pagbabago sa banal na misa.
Sinabi ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president at Cebu Archbishop Jose Palma, nangangahulugan ito na lahat ng dioceses ay magsisimula na sa paggamit ng bagong English version ng Lord’s Prayer sa nasabing petsa.
Una nang nagdesisyon ang CBCP na gamitin ang bagong English Translation ng Roman Missal noong Enero 2011, kasabay nang isinagawa nilang plenary assembly.
Pinagtibay naman ang desisyon ngayong taon at tuluyan na itong ipapatupad simula sa susunod na buwan
- Latest