FDA: Lahat ng brand ng noodles susuriin
MANILA, Philippines - Hindi lang mga Korean instant noodles na tinanggal sa merkado matapos maiulat at suriin na nagtataglay ito ng kemikals na nagdudulot ng kanser ay nagpasiya na rin ang Food and Drugs Administration (FDA) na suriin na din ang lahat ng brand ng noodles na ipinagbibili sa bansa upang makatiyak na ligtas ito sa benzopyrene chemical.
Sinabi ni acting FDA head Kenneth Hartigan-Go na sisimulan nilang inspeksiyunin, kolektahin at suriin ang mga noodles na hindi sakop ng voluntary recall bilang pag-iingat.
Magugunita na boluntaryong ini-recall ng mga importers ang anim sa siyam na Korean instant noodles na una nang ipinabawi ng Korea dahil sa taglay na benzopyrene tulad ng Nongshim Neoguri (Hot), Nongshim Neoguri (Hot) Multi, Nongshim Neoguri (Mild), Nongshim Big Bowl Noodle Shrimp, Nongshim Saengsaeng Udon Bowl Noodle, at Nongship Saengsaeng Udon.
- Latest