MANILA, Philippines - Todas ang isang security guard makaraang siyang pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang holdaper na nanloob sa binabatanyan nitong establisemyento sa Los Baños, Laguna, kamakalawa ng umaga.
Kinilala ni Chief Inspector Conrado Masongsong, hepe ng Los Baños Police ang nasawing biktima na si Robert Depon Jr., 21-anyos ng Asean Treasure Security Agency, residente ng Veteran’s Village, Project 7, Quezon City.
Bandang alas-9:00 ng umaga ng madiskubre ang duguang nakabulagtang katawan ng biktima sa binabantayan nitong Finance Officer ng Emilio Lim Appliance Center na matatagpuan sa kahabaan ng Lopez Avenue, Brgy. Batong Malake, Los Baños, Laguna.
Ang biktima ay tadtad ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan na palantandaang nanlaban ito sa mga kawatan na puwersahang pumasok sa nasabing establisyemento.
Sa salaysay ni Michelle Malabag, Finance Officer ng nasabing appliance center nagulat na lamang siya ng makitang nakabukas ang main door ng kanilang tanggapan.