Lady trader, itinumba

MANILA, Philippines - Isang ginang na negos­yante ang malapitang binaril sa ulo at agad na nasawi ng isang hinihinalang gun for hire sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng umaga.

Ang biktima na dead-on-arrival sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JASGH) ay nakila­lang si Almira Pastor Reyes, 38, may-asawa at residente ng #219 Bagong Pag-asa, St., Binondo.

Patuloy pa ang pagkalap ng testigo at ebidensiya ng Manila Police District-Ho­micide Section para madakip ang salarin na base sa nakuhang kopya ng Closed Circuit Television (CCTV) ay nasa edad 30-35, armado ng baril na naglakad lamang ng kaswal matapos mapabulagta niya ang biktima nang putukan sa likod ng ulo nang malapitan.

Nabatid kay PO3 Rodel Benitez, ng Manila Police District Homicide Section,  na may nakakabit na CCTV sa ikalawang palapag ng barangay hall at kuhang-kuha na dakong alas-7:15 ng umaga nitong Oktubre 30 nang makitang nakatayo sa harapan ng isang karinderya ang biktima, sa Penarubia St. malapit sa Delpan St.

 Tumawid ang gunman, na mistulang kumukuha lamang ng tiyempo at nag­lakad patungo sa nakata­yong biktima na habang na­katalikod ay binaril sa ulo ang negosyante.

Show comments