^

PM Sports

Gutom na gutom

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Eto na naman ang Magnolia Hotshots sa isang dumadagundong na arangkada.

Nag-iisa sila sa nanatiling perfect sa PBA Season 49 Philippine Cup, walang talo sa unang limang laro.

Pinatupi nila si June Mar Fajardo at ang powerhouse San Miguel Beer, 98-95, at kasama ang upset win na ito sa mga tambak na panalo nila kontra Blackwater, 106-84, Converge, 83-71, Phoenix, 118-99, at Terrafirma, 127-94.

Pero si coach Chito Victolero ang unang magsasabing wala pa silang nararating at walang kasiguruhan kung hanggang saan ang kanilang aabutin.

Pinakamainam ang manatiling grounded, manatiling gutom at manatiling magpursigi, lalo na’t tunay na atat na atat na silang magkampeon muli.

2018 PBA Governors Cup pa sila huling beses nag-champion – kasama noon si import Romeo Travis.

At panahon pa nina James Yap, Marc Pingris, PJ Simon at Joe Devance sa koponan noong huli nilang mahugot ang Phi­lippine Cup diadem noong 2014.

“We’re happy we have a good start compared to the last two conferences but we’re still far from our goal and we still have to keep on working hard every time,” ani coach Chito.

Ang inisyal na puntirya eh top four sa elims upang mas madaling marating ang semifinals, tangan ang twice-to-beat incentive sa quarterfinals.

Malaking karagdagan si Zavier Lucero upang maabot ang ultimate goal.

“If we play to our ful­lest potential, then the outcome we expect should be the one that we got,” ani Lucero na may kumpiyansa ang tinig.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with