^

PM Sports

PCU team-to-beat sa PSAA

Pang-masa

MANILA, Philippines — Ready na ang Philippine Christian University-Manila para sa pagbubukas ng 1st season ng Philippine Schools Athletics Association (PSAA) basketball tournament sa Mayo 10 sa Jesus is Lord College Foundation gymnasium sa Bocaue, Bulacan.

Bukod sa PCU-Manila, maglalaro rin ang JIL, Philippine International College, U-Bix Colleges, Inc., Philippine Maritime Institute, St. Bernadette, Bulacan State University, St. Joseph of Olongapo, Asia Pacific College at Manuel Enverga College.

“Nagpapasalamat ako sa tiwala ng ating mga miyembrong ekwelahan at sa mga sponsors na siyang backbone para mapagtagumpayan natin itong liga at maipagpatuloy natin ang ating misyon na tulungan ang sports development sa basketball,” ani PSAA founder at organizer coach Fernando Arimado sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ kahapon sa VIP Room ng Rizal Memorial Coliseum.

Itinalagang League Commissioner ang dating commercial player na si Robert Dela Rosa kasama ang assistant na si coach Danny Caballero.

“Ang tagumpay ng liga ay nakasalalay sa officiating. Walang magiging problema basta ang mga official natin ay reliable, consistent at patas, kaya kinuha nating mga referees yung grupo na responsible din sa NCAA at UAAP,” wika ni Dela Rosa sa lingguhang programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

Kumpiyansa ang ilang kinatawan ng mga eskwelahan sa kanilang magiging kampanya, ngunit kumbinsido silang nakalalamang ang PCU-Manila dahil sa malawak nitong karanasan sa iba’t ibang collegiate leagues.

“Team to beat ang PCU sila ang kampeon sa pre-season. But hopefully, yun mahaba-habang preparasyon namin ay maging sandata namin para makabawi sa kanila ang tanghaling inaugural PSAA champion,” wika ni PIC coach Ericson Relox.

Bukod sa core ng koponan na naging kampeon sa pre-season at sa International Invitational sa Perth, Australia, sasabak ang PCU kasama ang bagong recruit na Fil-American player.

“Still, we did not consider our team as favorite. Bawat team na kalaban namin ay itinuturing naming top competitors kaya ang mind-set ng mga players hindi puwedeng mag-relax. Importante sa bawat laro mayroon kaming matutunan sa kanila at may matutunan sila sa amin,” pahayag ni PCU coach Gualberto Garcia.

Dumalo rin sa programa sina U-Bic Colleges coach Hector Angelo Moquera,  John Gabrial Denz, PMI coach Aljero Alemania, at Philippine Karate League (PKL) head Restituto Fillarca Jr.

Kabilang ang karate at volleyball sa event na isasagawa ng PSAA sa ikalawang quarters ng taon.

PSAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with