Staunton kukunin ng Creamline
MANILA, Philippines — Puntirya ng Creamline na maibalik si Erica Staunton bilang import sa 2025 AVC Women’s Champions League sa Abril 20 hanggang 27 sa PhilSports Arena sa Pasig City.
Target ng Cool Smashers si Staunton dahil sanay na ito sa kanilang estilo matapos makatulong sa pagkopo sa korona ng PVL Reinforced Conference at Invitational Conference noong nakaraang taon.
Kaya naman numero uno itong prayoridad ng Creamline.
“Si Erica ang top priority namin,” sabi ni Cool Smashers head coach Sherwin Meneses.
Kasama ng Creamline sa pagsabak sa Champions League ang Petro Gazz at PLDT.
Base sa inilabas na draw ng AVC, pasok ang Creamline sa Pool A kasama ang Zhetysu ng Kazakhstan at Al Naser ng Jordan, habang nasa Pool B ang Petro Gazz kasama ang Taipower ng Chinese-Taipei at Hip Hing ng Hong Kong.
Nasa Pool D ang PLDT kasama ang Nakhon Ratchasima ng Thailand at Queensland Pirates ng Australia.
May ideya na si Meneses sa Kazakhstan squad kaya’t optimistiko itong kaya ng kaniyang tropa na makipagsabayan.
Bago naman sa paningin nito ang Jordan.
“Kazakhstan is a team we can actually compete with now. Jordan, on the other hand, is a bit new,”wika ni Meneses.
- Latest