Junior Altas focus sa playoff berth
MANILA, Philippines — Paghahandaan ng tournament leader University of Perpetual Help System DALTA ang kanilang laban ng Emilio Aguinaldo College sa 10-day break ng NCAA Season 100 junior basketball tournament.
Ang panalo kasi ng Junior Altas ang magbibigay sa kanila ng playoff berth sa Final Four, ayon kay coach Joph Cleopas.
Lalabanan ng Junior Altas ang Brigadiers sa Marso 23 sa EAC Gym sa Ermita, Manila.
Umiskor ang Junior Altas ng 85-78 panalo sa Jose Rizal Light Bombers sa huli nilang laro para itarak ang 5-1 karta.
Sina Lebron Jhames Daep, Jim Corpuz, Jan Roluna, Jericho Cristino, JD Pagulayan, Icee Callangan, TJ Tabbuan, at Aries Borja ang mulingn babandera sa Junior Altas.
Kung mawawalis ng Junior Altas ang huli nilang tatlong laro ay swak na sila sa Final Four.
Ang Top four teams matapos ang single round elims ang sasampa sa Final Four kung saan hahawak ang No. 1 at No. 2 teams ng ‘twice-to-beat’ incentives laban sa No. 4 at No. 3 squads, ayon sa pagkakasunod.
Sa Season 99 ay naglaban ang nagdedepensang Letran Squires at Junior Altas sa best-of-three championship series kung saan nanalo ang Intramuros-based squad, 2-1.
- Latest