OKLAHOMA CITY — Bumanat si Shai Gilgeous-Alexander ng 40 points para banderahan ang Thunder sa 113-105 pagpapatumba sa Minnesota Timberwolves.
Humakot si center Isaiah Hartenstein ng 15 points at 10 rebounds habang may tig-14 markers sina Lu Dort at Jalen Williams para sa Oklahoma City (27-5).
Kumamada ang home team ng 43 points sa kabuuan ng third period para talunin ang Minnesota (17-15) na nakahugot kay Anthony Edwards ng 20 points.
Ang dalawang free throws ni Anthony sa huling 2:03 minuto ng fourth quarter ang nagdikit sa Timberwolves sa 103-106 bago magsalpak si Gilgeous-Alexander ng isang 3-pointer para muling ilayo ang Thunder sa 109-103.
Nagdagdag si Naz Reid ng 19 points at may 16 markers si Mike Conley para sa Minnesota na napigilan ang three-game winning run.
Sa Los Angeles, umiskor si Jarrett Allen ng season-high 27 points habang may 26 markers si Donovan Mitchell sa 122-110 pagdomina ng Cleveland Cavaliers (29-4) sa Lakers (18-14).
Sa Phoenix, nagbagsak si Jaren Jackson Jr. ng 38 points para pangunahan ang Memphis Grizzlies (23-11) sa 117-112 pagsakmal sa Suns (15-17).
Sa San Antonio, nagkadena si Victor Wembanyama ng 27 points, 9 rebounds, 5 assists at 3 blocks sa 122-86 pagdispatsa ng Spurs (17-16) sa LA Clippers (19-14).