Good choice si LA

MANILA, Philippines — May simpatya ako sa paghirang ng Samahang Basketbol ng Pilipinas kay LA Tenorio na humawak ng Gilas Pilipinas youth program.

Unang-una dahil siya ay hitik sa experience hindi lang sa mahabang playing career kung hindi sa mayamang experience din sa international games.

Ikalawa ang kanyang pagdaan sa mga brilliant champion coaches mula high school basketball – Ato Badolato, Joe Lipa, Joel Banal, Tim Cone at Chot Reyes.

Ikatlo ang kanyang pagiging winner – pamula rin sa juniors basketball, seniors, semi-pro, pro at international.

Ikaapat ang pagiging magaling at matalinong play­maker.

Ika-lima ang kanyang break-in period bilang assistant coach (Letran at Ginebra).

Solido ang kanyang credentials na naniniwala ako na kaya niyang i-translate sa brilliant coaching.

Kung masahugan ng recruitment program na susuyod ng potentials sa buong bansa at sa Pinoy communities abroad, naniniwala akong magiging successful ang Gilas youth program sa ilalim ni LA.

Siyempre, ang target eh ang regional championship at maging regular na mapasali sa 19-under World Cup.

Ang siste, suntok sa buwan ang Asia Cup U-18 championship dahil nariyan ang mga higanteng kabataan ng Australia, New Zealand at China.

Mabigat ang trabaho ng Tinyente LA.

Show comments