Andiamo A Firenze nagpasiklab

MANILA, Philippines — Nagpasikat ang Andi­amo A Firenze sa mga horseracing fans matapos itarak ang panalo sa PRHTAI-PHILRACOM Be­nefit Race na inilarga sa Metro Turf sa Malvar-Ta­nauan City, Batangas noong Linggo.

Umarangkada sa largahan ang Senshi Spirit para hawakan ang bandera pero hindi masyadong pinalayo ng Andiamo A Firenze na nakatutok sa unang 200 metro ng karera.

Pagdating sa kalagit­naan ng labanan ay uma­gaw na ng unahan ang Andiamo A Firenze at hindi na lumingon sa likuran hanggang sa pagtawid ng finish line.

Paparating ng huling kurbada ay nasa tatlong ka­bayo na ang lamang ng Andiamo A Firenze sa pu­mapangalawang Daily Burn at lumobo pa sa five lengths sa finish line.

Ginabayan ni star joc­key Jeffril tagulao Zarate, inirehistro ng Andiamo A Firenze ang tiyempong 1:23.2 minuto sa 1,400 me­ter race sapat upang ha­migin ni winning horse owner Joseph Dyhengco ang P180,000 premyo.

Nasikwat ng Daily Burn ang P67,500, habang third at fourth placers ang Easy Does It at Senshi Spi­rit na tumanggap ng P37,500 at P15,000, ayon sa pagkakasunod.

Naibulsa rin ng bree­der ng nanalong kabayo ang P4,000 at may P1,000 at P500.00 ang second at third, ayon sa pagkakahi­lera, sa event na suporta­do ng Philippine Racing Commission.

 

Show comments