Curry maglalaro pa rin sa Warriors

SAN FRANCISCO -- Pinapirma ng Golden State Warriors si star guard Stephen Curry sa isang one-year extension contract kahapon.

Ang extension ay nagkakahalaga ng $62.6 mil­yon kung saan patuloy na maglalaro si Curry para sa Warriors hanggang sa 2026-27 season.

Si Curry ang ikaapat na NBA player, kasama sina LeBron James, Paul George at Kevin Durant, na nakalampas sa $500 milyon sa career earnings.

May natitira pang da­­lawang taon si Curry sa kanyang four-year, $215.4 million contract na nilagdaan niya noong Agosto ng 2021.

Maaari siyang pumir­ma sa isang one-year extension lamang sa offseason dahil sa ipinatutupad na over-38 rule ng NBA.

Ito ang nagbabawal sa mga koponan na mag-alok ng apat na taon o hi­git pa sa mga players na may edad 38-anyos.

Nauna nang sinabi ng 36-anyos na si Curry na plano niyang magretiro suot ang uniporme ng Golden State at walang balak lumipat ng tropa.

Show comments