^

PM Sports

King James bumida sa Hopeful Stakes race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagsaya ang mga dehadista ng manalo ang King James sa naganap na 2024 PHILRACOM ‘Hopeful Stakes Race’ na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.

Ginabayan ni jockey Michael Diaz De Jesus, nakipagtagisan ng bilis ang King James sa Boss Uno paglabas ng aparato.

Umarangkada ang King James ng dalawang kabayo sa unang 200 metro ng labanan pero sa kalagitnaan ng karera ay umagaw ng unahan ang Boss Uno, nasa tersero ang Summer Rule habang pang-apat ang Beltuna.

Naging mainitan ang bakbakan sa far turn nang magkapitan na sa unahan ang Summer Rule, Beltuna at Gameir Winner.

Mas lalong tumindi ang labanan pagliko sa huling kurbada nang makihalo na rin sa bakbakan ang liyamadong Wolfthreefivenine.

Nasilayan ng mga karerista ang husay ng King James sa rektahan, naging matatag ito sa unahan para hindi maabutan at nanalo ito ng may anim na kabayo ang agwat sa pumangalawang Boss Uno.

Nilista ng King James ang 2:12.2 minuto sa 2,000 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si James Anthony Rabano ang P600,000 na premyo habang napunta sa pangalawang Boss Uno ang P200,000.

vuukle comment

PHILRACOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with