^

PM Sports

NU, Letran swak sa SSL semis

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Humakbang sa semifinals ang UAAP queens National University Lady Bulldogs matapos nilang walisin sa tatlong sets ang reigning CESAFI Cham­pion, University of S­outhern Philippines Foundation Lady Panthers, 25-11, 25-12, 25-14 sa quarterfinals knockout ng 2024 Shakey’s Super League (SSL) National Invitatio­nals na nilaro kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Bumida sa opensa para sa Lady Bulldogs si Myrtle Escanlar matapos magtala ng siyam na puntos mula sa walong attacks at isang service ace, nahirang siyang Most Valuable Player (MVP) of the Game.

Maagang ipinakita ng Lady Bulldogs ang kanilang bangis matapos sakmalin ang panalo sa unang dalawang sets, si­mula pa lang ng palauan ay humarurot na agad sila sa opensa.

Sumampa sa quarters ang NU matapos nilang manguna sa Pool A tangan ang 2-0 karta at nakatapat nila ang No. 2 seed sa Pool C na Lady Panthers na may 1-1 card.

Makakalaban ng Lady Bulldogs sa semis ang Letran Lady Knights nga­yong alas-2 ng hapon sa parehong venue matapos kalusin ng huli ang University of Batangas Lady Brahmans, 25-22, 25-18, 25-23 sa pangalawang laro.

No. 2 seed sa Pool D ang Letran na may 1-1 card habang 0-2 ang Lady Brahams sa Pool B sa event na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, Eurotel, Victory Liner at Mikasa.

vuukle comment

SHAKEY’S SUPER LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with