France tinapos ang suwerte ng Iran
![France tinapos ang suwerte ng Iran](https://media.philstar.com/photos/2024/06/21/france_2024-06-21_21-06-55.jpg)
MANILA, Philippines — Bumalikwas ang reigning Olympic champions France mula sa isang kabiguan matapos ang 25-21, 25-17, 25-20 paggupo sa Iran sa Week 3 ng Men’s 2024 Volleyball Nations League (VNL) kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Nagmula ang mga Frenchmen sa four-set loss sa mga Germans noong Miyerkules bago ibaling ang galit sa sibak nang mga Iranians.
Bumira si Jean Patry ng 16 points mula sa 13 attacks, dalawang blocks at isang service ace para sa 7-3 kartada ng France.
Laglag naman ang Iran sa 2-9.
Nauna nang humataw ang mga Iranians ng two-game winning streak mula sa kanilang paggulat sa United States at Netherlands.
Ngunit hindi umubra ang Iran sa France, ang World No. 7 team, na kinuha ang 2-0 bentahe sa kanilang laro.
Hinataw ng mga Frenchmen ang 11-7 kalamangan sa third set bago nakatabla ang mga Iranians sa 13-13 sa likod ni team captain Milad Ebadipour.
Isang 5-1 atake ang ginawa ng France sa pangunguna ni middle blocker Daryl Bultor’s sharp serves para muling makalayo sa 18-4.
Pinamunuan ni Milad Ebadipour Ghara ang Iran sa kanyang 10 points.
Sunod na haharapin ng France ang Japan ngayong alas-7 ng gabi bago tapusin ang Manila leg bukas laban sa Brazil sa alas-4 ng hapon.
Samantala, pinabagsak ng Canada ang Brazil, 25-26-24, 25-19, 26-24, para sa kanilang ikatlong sunod na ratsada.
- Latest