^

PM Sports

Maagang pa-bonus ni Sen. Go sa Paris-bound athletes

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinupad ni Sen. Bong Go ang kanyang pangakong tig-P500,000 financial assistance para sa mga Philippine athletes na sasabak sa darating na 2024 Olympic Games sa Paris, France.

Personal na ibinigay ka­hapon ni Go ang tseke ng mga atleta sa isang sim­pelng turnover ceremo­ny sa Philippine Sports Commission (PSC) office sa Ri­zal Memorial Sports Complex sa Manila.

“In collaboration with the PSC, we pushed na ma­bigyan ng financial support ang ating mga qualified athletes,” wika ng Senador. “Para naman sa akin, alam naman natin na importante sa mga athletes ang karangalan na bitbit nila, win or lose.”

Iniabot ni Go ang mga tseke nina Philippine flag bearers Nesthy Petecio at Carlo Paalam ng boxing, Caloy Yulo ng gymnastics, Vanessa Sarno, Elreen Ando at John Ceniza ng weightlifting, Hergie Bacyadan at Aira Ville­gas ng boxing at Joanie Del­gaco ng rowing.

“Bigyan natin sila ng suporta mula sa gobyerno even before the competition and even after the com­petition,” sabi ni Go na chairman ng Senate Committee on Sports.

Ang nasabing pa-bonus ni Go ay bukod pa sa cash incentives na tatanggapin ng mga Olympic medal winners sa ilalim ng Republic Act 10699.

Ang Olympic gold me­dalist ay bibigyan ng P10 milyon, habang ang silver at bronze winners ay tatanggap ng P5 mil­yon at P2 milyon, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, nakatakdang magtungo ngayong araw ang 15 Olympic-bound athletes sa Metz, Paris para sa isang one-month training camp.

Ang nasabing kampo ay inayos ng Philippine Olympic Committee (POC) para sa huling preparasyon ng mga Pinoy athletes.

vuukle comment

BONG GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with