^

PM Sports

Ginto itinakbo nina Knott at Cray

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umani sina Kristina Knott at Eric Cray ng tig-isang gintong medalya sa 2024 Harry Jerome Track Classic na ginanap sa Burnaby, Canada.

Magandang panalo ito para kina Knott at Cray na parehong naghahabol na makapasok sa Paris Olympics.

Naglatag ng matikas na porma ang Southeast Asian Games champion na si Knott upang matamis na kubrahin ang gintong medalya sa women’s 100m dash.

Naorasan si Knott ng 11.64 segundo para makuha ang unang puwesto.

Tinalo si Knott si Ca­na­dian Victoria Mcintyre na nagkasya lamang sa pilak tangan ang 11.94 segundo.

Pumangatlo naman ang isa pang Pinoy bet na si Zion Corrales Nelson na may naisumiteng 11.95 segundo.

Nagdagdag pa ng isang tanso si Knott mula naman sa women’s 200m dash.

Nagrehistro ito ng 23.42 segundo para mag­kas­ya sa ikatlong puwesto sa likod nina Canadian sprinters Zoe Sharar na siyang umani ng ginto bunsod ng 23.14 segundong nakuha nito, at Jacqueline Madogo na nakapilak tangan ang 23.20 segundo.

Nagparamdam din ng lakas ang six-time SEA Games champion na si Cray sa men’s 400m hurdles sa itinalang 49.95 se­gundo.

vuukle comment

ERIC CRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with