^

PM Sports

Flying Titans isasalang si faki

Russell Cadayona - Pang-masa
Flying Titans isasalang si faki
Zoi Faki

MANILA, Philippines — Ang isang outside hitter na kagaya ni Zoi Faki ng Greece ang kailangan ng Choco Mucho para sa 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference.

Hindi kasi maglalaro sina Sisi Rondina at Cherry Nunag na miyembro ng Alas Pilipinas Women at sasalang sa darating na FIVB Challenger Cup sa Hulyo 4-7 sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Dadalhin ng 6-foot-1 na si Faki sa Flying Titans ang kanyang eksperyensa sa paglalaro para sa University of Pittsburgh at San Diego State University sa US NCAA.

Bumalik siya sa Greece at kumampanya para sa mga club teams ng AO Thiras at Apollon Kalamatas.

“Wing spikers are locked and loaded with power! Say hi to Zoi Faki who has the experience and strength to deliver the much-needed boost for the team,” pahayag ng Choco Mucho sa kanilang social media post kahapon.

Noong 2022 PVL Reinforced Conference ay ipinarada ng koponan si import Odina Aliyeva, ngunit tumapos lamang sila sa seventh place.

Makakatulong ni Faki sa kampanya ng Flying Titans ang bagong hugot na si Dindin Santiago-Manabat.

Target pa rin ng Choco Mucho, natalo sa Creamline sa nakaraang PVL All-Filipino Conference Finals, ang kauna-unahan nilang PVL title.

Bukod kina Rondina at Nu­nag, hindi rin makakalaro sina injured Des Cheng (knee), Aduke O­gunsanya (knee) at Kat Tolentino (ear).

Ang iba pang imports na sasalang sa PVL Reinforced Confe­rence ay sina Erica Staunton ng Creamline, Khat Bell ng Chery Tiggo, Elena Samoilenko ng PLDT at Marina Tus­hova ng Capital1 Solar E­nergy.

VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with