Vietnam kinumpleto ang sweep sa Pool B

MANILA, Philippines — Kinumpleto ng Vietnam ang four-game sweep para pangunahan ang Pool B sa preliminary round ng 2024 Asian Volleyball Confederation (AVC) Challenge Cup for Women kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.

Pinabagsak ng defen­ding champions ang Indonesia, 25-17, 25-15, 25-27, 25-13, sa likod ng 23 attacks ni outside hitter Vi Thi Nhu Quynh habang may 10 markers si Tran Tu Linh para sa kanilang 4-0 record.

“The coaching staff used a different rotation today. It is to ensure e­veryone is involved and ensure everyone is ready to go when the time comes,” sabi ni Quynh sa pagmartsa nila sa semifinals.

Bagsak ang Indonesia sa 1-3 marka.

Hinablot naman ng Kazakhstan ang huling semifinals seat matapos talunin ang Hong Kong, 25-17, 25-18, 25-4, para sa kanilang 3-1 kartada sa Pool B sa event na suportado ng Meralco, PLDT, Smart, Akari, AyalaLand, Nuvali, Foton, POC, PSC, Mikasa, Senoh, Asics, Maynilad, Makati Shangri-La, Rebisco, Cignal, OneSports, OneSports+ at PilipinasLive.

Pumalo si Sana Anar­kulova ng 19 points at may 16 markers si Zhanna Syroyeshkina sa torneong inorganisa ng Philippine National Volleyball Fe­deration (PNVF) sa ilalim ni president Ramon “Tats” Suzara.

Samantala, tuluyan nang winalis ng Alas Pilipinas ang Pool A matapos igupo ang Chinese Taipei, 25-13, 25-21, 25-19.

Makakalaban ng Alas Pilipinas sa crossover semis ang Kazakhstan habang magsasagupa ang Vietnam at Australia.

Show comments