MANILA, Philippines — Sasalang ang Philippine women’s national football team sa tatlong friendly matches bilang preparasyon sa Pinatar Cup sa San Pedro del Pinatar, Spain.
Unang haharapin ng Filipinas ang Finland sa Pebrero 21 kasunod ang Scotland sa Pebrero 24 at alinman sa Slovenia o Finland sa Pebrero 27.
Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na sasabak ang mga Pinay booters, ang World No. 38, sa Pinatar Cup matapos noong nakaraang taon.
Nakatakda ang nasabing torneo sa Pebrero 24 hanggang 27.
Kamakailan ay inilabas ng Philippine Football Federation (PFF) ang isang 27-member roster para sa Pinatar Cup na pinamumunuan ni Sarina Bolden.
Nasa listahan sina Leah Bradley, Nina Meollo, Olivia McDaniel, Alexa Pino, Isabella Bandoja, Dionesa Tolentin, Isabella Flanigan, Chandler McDaniel at Rhea Chan.
Kasama rin sina Katana Norman, Aiselyn Sia, Maya Alcantara, Angela Beard, Reina Bonta, Jessika Cowart, Sofia Harrison, Hali Long, Camille Sahirul, Tahnai Annis, Sara Eggesvik, Jessica Miclat, Isabella Pasion, Quinlet Quezada, Jaclyn Sawicki at Meryll Serano.