MANILA, Philippines — Isang araw bago ang inaabangang Super Bowl Sunday dito sa Amerika, wala kang maririnig kundi Super Bowl. Super Bowl ang usapan kahit saan, Superbowl din ang mapapanood, Super Bowl ang laman ng news, Super Bowl, Super Bowl, Super Bowl….
Ganyan kalaking event ang finals ng National Football League (NFL), ang paboritong liga ng buong United States.
Nung nasa Pinas pa ako, ang inaabaangan ko lang ay ang halftime show dahil mga legit na sikat na singers ang nagpe-perform.
Hindi sikat ang American football sa Pinas pero higit 100 milyong football fans sa buong mundo ang inaasahang manood ng Super Bowl na gaganapin sa Las Vegas.
Siyempre, ang mga taga-West Coast ay kampi sa San Francisco 49ers, habang ang mga taga-East Coast naman ay maka-Kansas City Chiefs.
Bukod sa aktuwal na laro na papanoorin ng mga football fans, inaabangan din dito ang mga Super Bowl commercials.
Oo, ang mga commercials na ginawa para sa Super Bowl lamang at ang balita, $3 million (tinatayang P165 milyon) ang 30 seconds ad placement.
Inaasahang madami rin ang manonood ng performance ni Usher sa halftime.
Para sa mga may kaya lamang ang panonood nang live game dahil sa bago ang gameday, ang pinakamurang ticket resale ay nasa mahigit $6,000 (mahigit P300K) at sa maniwala kayo at hindi, ang mga front row tickets ay umaabot sa mahigit $40,000 (mahigit P2 milyon).
Ganyan kalaki ang Super Bowl.