Lady Knights swak sa F4

MANILA, Philippines — Swak sina Gia Maquilang at Lara Mae Silva ng Letran College sa Final Four matapos talunin sina Angel Mae Habacon at Reyanna Cañete ng San Beda, 21-17, 21-10, sa NCAA Season 99 women’s beach volleyball tournament.

Hinataw nina Maquilang at Silva ang pang-pitong sunod na panalo ng Lady Knights para sa top spot at inihulog sina Habacon at Cañete sa ikalawang puwesto sa 6-1 baraha.

Sa men’s division, dinomina nina Louie Ramirez at Jefferson Marapoc ng nagdedepensang University of Perpetual Help System DALTA sina Bhim Lawrence Diones at Ervin Patrick Osabel ng Emilio Aguinaldo College, 21-12, 21-14, para sa 6-1 kartada.

Nagposte rin ng mga panalo ang College of St. Benilde, Mapua at Arellano University na nagresulta sa three-way logjam sa No. 2 sa magkakatulad nilang 5-2 marka.

Tinalo nina Leonard Van Jaboli at Arnel Christian Aguilar ng St. Benilde sina Windel Laurenciana at Matthew Miguel ng Jose Rizal, 21-16, 26-24  habang dinaig nina Kenneth Eslapor at Saint Marlowe Jamisola ng Mapua sina Kyle Angelo Villamor at Jan Kerk Araño ng San Sebastian, 24-22, 21-12.

Pinatumba nina Adrian Villados at Arman Clarence Guinto ng Arellano sina Janse Palad at Josue Velasco III ng Lyceum, 21-10, 21-18.

Show comments