Unang Thanksgiving ko dito sa US at nakita ko kung gaano kapanatiko ang mga Kano sa rugby football.
Sa Pinas, ang mga Ginebra fans talaga ang mga die hard fans. ‘Yung talagang kaya nilang pumuno ng venue. Next ay ang mga Creamline fans.
Pero dito sa Tate, grabe ang suporta ng mga tao sa kanilang football team. Puno ang venue sa kahit saang game ng football, kesehodang malamig ang panahon, kesehodang nag-i-snow.
Sa pinaka-importanteng araw na ipinagdiriwang at pinaghahandaan ng lahat dito sa States, bukod sa turkey, bahagi ng selebrasyon ang football.
Kasabay ng selebrasyon ng Thanksgiving ay ang pagtutok ng lahat sa football.
Makakakita ka ng bahay na may banners o dekorasyon ng kanilang paboritong team.
Kahit college football, blockbuster din. Sinusubaybayan din.
Laging may tatlong games ang NFL sa araw mismo ng Thanksgiving at laging kasama ang America”s team na Dallas Cowboys.
Samantalang pang-13 taon na ng NBA na walang Thanksgiving game.