Garcia tuloy ang suporta sa mga para triathletes
MANILA, Philippines — Itinuturing ni FINIS Philippines Managing Director Vince Garcia ang kanyang sarili bilang instrumento para matulungan ang mga kapus-palad na para triathletes.
Nagsimula ang ugnayan ni Garcia sa isang grupo ng mga para triathletes nang gabayan niya ang partisipasyon ng mga ito sa isang torneo at kalauna’y naging regular na niyang kasama sa mga paglahok sa mga kompetisyon kabilang na ang Mt. Mayon Triathlon Championship sa Legazpi City, Albay.
“Nakita ko sila sa registration ng isang tournament. Umatras sila dahil sa problema sa registration fee,” kuwento ni Garcia sa TOPS ‘Usapang Sports’.
A ng TODO Para Team ay kinabibilangan nina Godfrey Esperanzate Taberna, Al Fernández, Calib Sim Jr., Raul Q Angoluan at Jake Lacaba.
Para matiyak na may regular ring kita ang mga para triathletes ay inalok niya ang mga ito ng trabaho sa kanyang bike shop bilang mga mekaniko.
- Latest