^

PM Sports

Heading tumalon sa B.League mula sa T1 League

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lipat-bakod na rin si Jordan Heading sa Japan B. League matapos ang isang season sa T1 League ng Taiwan.

Matapos ang stint sa Taichung Suns sa Taiwan ay maglalaro si Heading para sa Nagasaki Velca ng B. League Division II.

“I’m really happy that me and my family can be part of the Velca family. I’m grateful to the management for believing in me and giving me this opportunity. I’ll do my best to overcome it! I’m looking forward to meeting my teammates and Velca fans,” ani Heading.

Inaasahan ang parehong gilas ng Fil-Australian shooter sa Japan matapos magpasiklab sa Taiwan sa likod ng mga averages 18.3 points, 4.2 rebounds. 2.4 assists at 1.1 steals.

Nadala niya sa T1 League finals ang Suns subalit natalo sa kababayang si Jason Brickman at sa Kaohsiung Aquas.

Sasamahan niya ang pambatong Nagasaki squad na nanguna sa B. League Division III hawak ang 45-3 kartada upang ma-promote sa Division II.

Kamakailan lang ay lumipat din sa Division II si Kobe Paras upang maglaro sa Altiri  Chiba matapos ang isang season sa Niigata Albirex BB sa Division I.

Noong nakaraang season ay naglaro rin sa Division II ng B. League sina Juan Gomez de Liaño (Earthfriends Tokyo Z) at Kemark Cariño (Aomori Wat’s) habang ilan pang Filipino players ang nag­lalaro sa Division I.

Ito ay sina Kiefer Ra­vena (Shiga Lakestars), Dwight Ramos (Levanga Hokkaido), Thirdy Ravena (San-en NeoPhoenix) at Ray Parks Jr. (Nagoya Diamond Dolphins)  habang umu­wi si Javi Gomez de Liaño (Ibaraki Robots) para maglaro sa Terrafirma sa PBA.

 

 

 

 

JORDAN HEADING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with