Nets inihulog ang Heat sa No. 2 spot sa East

MIAMI — Humataw si Ke­­vin Durant ng 23 points, habang may 17 markers si guard Seth Curry para ban­derahan ang Brooklyn Nets sa 110-95 paggupo sa bu­mubulusok na Heat.

Nagdagdag si center An­dre Drummond ng 13 points at 11 rebounds para sa Brooklyn (39-35) na nanati­li sa No. 9 spot sa Eastern Conference.

May 11 at 10 markers na­­man sina guard Kyrie Ir­ving at Nic Claxton, ayon sa pagkakasunod.

Umiskor si big man Bam Adebayo ng 14 points sa pa­­nig ng Miami (47-28) na na­lasap ang ikaapat na sunod na kamalasan at nahulog sa No. 2 seat sa East sa ilalim ng No. 1 Philadelphia 76ers (46-27).

Nag-ambag sina Tyler Herro at Max Strus ng tig-13 markers at may 12 points si Kyle Lowry para sa Heat na ibinaon ng Nets sa 55-82 sa gitna ng third quarter.

Ang triple ni Curry ang nagtayo sa 94-57 kalama­ngan ng Brooklyn sa huling 4:02 minuto ng nasabing yugto.

Sa Memphis, tumipa si De’Anthony Melton ng 24 points at may 20 markers si Desmond Bane sa 127-102 pagpapak ng Grizzlies (52-23) sa nagdedepensang Milwaukee Bucks (46-28).

Sa Denver, humakot si Ni­kola Jokic ng 35 points sa 113-107 pa­nalo ng Nuggets (44-31) sa Oklahoma City Thunder (21-53).

Sa Cleveland, kumama­da si Zach LaVine ng 26 points, habang may 20 mar­kers si DeMar DeRozan sa 98-94 pagtakas ng Chicago Bulls (43-31) sa Cavaliers (41-33).

 

Show comments