Isaac Go pumirma ng 2-year deal sa Dyip
MANILA, Philippines — Kasado na ang pag-akyat ng limang Gilas Pilipinas cadets sa PBA matapos ang pagpirma ng huling manlalaro na si Isaac Go kahapon sa mother team niyang Terrafirma.
Dalawang taon ang pinirmahang kontrata ng dating Ateneo stalwart, ayon kay coach Johnedel Cardel, sakto sa pagbabalik-aksyon ng 2022 PBA Governors’ Cup ngayon sa Smart Araneta Coliseum matapos ang lagpas isang buwang pagkakatengga.
Si Go ang pinakahuling Gilas cadet na nakasikwat ng PBA contract matapos ang unang pagpirma nina Rey Suerte (Blackwater), Allyn Bulanadi (Alaska), Mike Nieto (Rain or Shine) at Matt Nieto (NLEX).
Miyembro ang limang players ng 2019 special PBA draft para sa Gilas tampok si Go bilang No. 1 pick ng Dyip kasunod ang No. 2 selection na si Suerte habang kinumpleto nina Matt, Bulanadi at Mike ang Top 5.
Ipinahiram sila ng PBA sa Gilas subalit napaso na ang kanilang kontrata noong Enero 31 na nagbigay-daan sa pagpasok nila sa pro league.
- Latest