Impresibong pagbabalik ni Khris Middleton
MILWAUKEE — Nagbalik si Khris Middleton sa lineup matapos mawala ng tatlong laro at umiskor ng 23 points para tulungan ang nagdedepensang Bucks sa 126-106 pagpapasabog sa Houston Rockets.
Ito ang unang laro ni Middleton matapos ang three-game absence dahil sa kanyang hyperextended left knee injury.
Sa pangunguna ni Middleton ay kumamada ang Milwaukee (20-13) ng 16 sunod na puntos sa second quarter patungo sa panalo sa Houston (10-22) at tapusin ang kanilang two-game losing skid.
Umiskor si Jrue Holiday ng 24 points para sa Bucks at may season-high 16 markers si guard Wesley Matthews na nagmula sa NBA health and safety protocols.
Muling naglaro ang Milwaukee na wala sina two-time MVP Giannis Antetokounmpo, Bobby Portis at Donte DiVincenzo na nasa NBA COVID-19 protocols.
Naglista si Christian Wood ng 20 points at 11 rebounds sa panig ng Houston (10-22), habang may tig-12 markers sina Eric Gordon at KJ Martin.
Sa Boston, kumamada si Jaylen Brown ng 34 points para igiya ang Celtics (16-16) sa 111-101 pagpigil sa six-game winning streak ng Cavaliers (19-13).
- Latest