May asim pa si Japoy Lizardo

Japoy Lizardo

MANILA, Philippines – Hindi pa rin nawawala ang angas ng dating natio­nal athlete at taekwondo jin na si Japoy Lizardo nang ipakita niya ang kanyang  kicking skills sa Instagram.

Sa saliw ng trending song na “Quarantena” ay ibinida ng 34-anyos na taekwondo artist ang paglipad at pagsipa niya sa punching bag.

Nagset-up sa kanilang sala para mag-practice at mag-training ang two-time SEA Games gold medalist.

“Let’s fly!” ang caption ng three-time silver me-dalist Asian Championships\sa kanyang video na tila lumilipad siya sa kanyang mga sipa.

Napa-wow ang netizens sa ipinamalas ng dating aktor at commercial model sa ginawa niyang pagbibida at parang walang pinagbago.

Patuloy pa rin ang pasasanay ni Lizardo sa loob ng kanilang bahay at minsa’y katuwang ang misis at kapwa taekwondo artist na si Janice Lagman-Lizardo.

 

Show comments