Tuluy-tuloy ang ensayo ni Rayray Parks

Rayray Parks

MANILA, Philippines — Walang sinasayang na oras ngayon si TNT Ka-tropa shooting guard Ray Parks, Jr. at patuloy ang pagsabak niya sa ilang basketball drills.

Sa isang halfcourt sa isang gym nagpapakondis-yon ngayon si Parks para hindi mawala ang porma sa oras na magbalik ang PBA.

Shinare ng three-time SEA Games gold medalist sa kanyang Instagram story ang ilan sa mga dribbling at shooting drills na kanyang ginagawa.

Hindi pa rin nawawala ang angas ng dating UAAP MVP at pagdating sa court ay kitang-kita na nasa kondisyon pa rin ito.

Makikita sa video na may mga obstacle rin na inilagay para mas maging challenging ito para sa one-time ASEAN Basketball League (ABL) champion na si Parks.

May pa-background music pa ang video na pinost ni Parks, Jr. na nagbigay ng kakaibang hype sa kanyang pagpa-practice.

Sa kasalukuyan ay ine-enjoy ng one-time PBA D-League champion ang kanyang oras sa pamilya sa gitna ng umiiral ng GCQ sa Metro Manila.

 

Show comments