MANILA, Philippines — Makabalik sa win-column at tuldukan ang two-game losing skid ang target na makuha ng San Beda Lady Red Spikers sa pagbangga nito sa Emilio Aguinaldo College Lady Generals sa pagpapatuloy ng preliminaries ng NCAA season 95 women’s volleyball ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Magtatapat ang dalawang tropa bandang alas-12 ng tanghali at agad itong susundan ng maaksyong paluan sa pagitan ng Jose Rizal University Lady Bombers at Mapua University Lady Cardinals sa alas-2 ng hapon.
Natengga sa ikaapat na puwesto ang Lady Red Spi-kers matapos nitong malasap ang ikalawang sunod nitong kamasalan sa Arellano U at College of Saint Benilde.
Unang nadungisan ang malinis na 3-0 na win-loss record ng San Beda nang madalian silang dinispatsa ng Lady Chiefs, 20-25, 21-25, 22-25 at na agad sinundan ng four-set na pagkalugmok kontra sa Lady Blazers, 25-17, 18-25, 22-25, 22-25.
Nasayang ang dala-wang double-double fi-nish ni kapitan Cesca Racraquin sa mga larong ito pero inaasahang mu-ling aariba ito kasama ang core ng San Beda na sina Nieza at Jieza Viray, Kimberly Manzano, Trisha Paras at Robyn Matias.
Samantala, pipilitin naman ng Lady Generals na tapusin ang patuloy ang paglubog nito sa liga at putulin ang 14-game losing streak, mula pa noong season 94 at kunin ang mailap na unang panalo para sa tropa.
Muling babanderahan ni Jan Carl Cabrera ang EAC katuwang sina Dharianne Gallardez, Hyacinth Castillo, Krizia Reyes, Jamaica Villena, Kristine Tesara at Anne Formento.