MANILA, Philippines — Bagong taon, bagong koponan ulit ang lalaruan ni Sol Mercado matapos ang inaprubahang trade ng PBA kahapon.
Ayon sa naturang palitan, pinakawalan ng Northport patungong Phoenix si Mercado kapalit nina LA Revilla at Rey Guevarra.
Matatandaang noong nakaraang taon ay kakalipat lang ni Mercado sa Batang Pier bilang bahagi ng package kapalit ni Stanley Pringle.
Kasama niya sa pinakawalan ng Gin Kings sina Kevin Ferrer at Jervy Cruz.
Ito na ang magiging Ikapitong PBA team ni Mercado simula nang mapili bilang 5th overall pick ng Alaska noong 2008.
Naglaro rin siya sa Rain or Shine, Globalport, Meralco, San Miguel, Barako Bull, Ginebra at Northport.
Tatlong beses na PBA champion ang 35-anyos na si Mercado para sa Gin Kings, two-time PBA All-Star at bahagi rin ng PBA Rookie team noong 2009.
Sasamahan niya sa Fuel Masters ang solidong backcourt nina RJ Jazul, Matthew Wright, RR Garcia, Alex Mallari, RR Garcia at Brian Heruela.
Palalakasin naman nina Revilla at Guevarra lalo ang umangat na Batang Pier sa pangunguna nina Robert Bolick, Sean Anthony at Best Player of the Conference Christian Standhardinger na kagagaling lang sa semi-final finish sa Governors’ Cup.