^

PM Sports

Will Gozum iniwan ang UP Maroons

Chris Co - Pang-masa
Will Gozum iniwan ang UP Maroons

MANILA, Philippines — Tuluyan nang nilisan ni center Will Gozum ang kampo ng University of the Philippines matapos ang dalawang taong pag-lalaro sa UAAP suot ang Fighting Maroons jersey.

Bago mag-alsa balutan, nagpaalam muna ang 6-foot-7 player kay Fighting Maroons head coach Bo Perasol bilang respeto.

Malaki rin ang pasasalamat ni Gozum sa UP na itinuring nitong tahanan sa buong panahon ng pa-nanatili nito sa koponan.

Tinukoy ni Gozum ang buong UP community sa mainit na pagtanggap sa kanya at sa suportang ibinigay ng unibersidad sa kabuuan.

“Sobrang thankful ako sa UP sa support nila lalo na sa UP community na talagang sobra ang suporta sa mga games namin, manalo man o matalo,” ani Gozum.

Bago magtungo sa UP, dala ni Gozum ang kanyang Most Valuable Player award sa NCAA Season 93 tournament matapos tulungan ang Malayan High School of Science (Mapua) na makuha ang kampeonato.

Ngunit hindi gaya sa Mapua na isa ito sa pa-ngunahing pinagkukunan ng lakas ng Red Robins, madalang masilayan sa aksiyon si Gozum sa UP.

Sa kanyang unang taon sa Fighting Maroons, mayroon lamang itong nakolektang 16 puntos at 12 rebounds sa kabuuan.

Binigyan lamang si Gozum ng 4.2 minuto kada laro.

Mas lalo pang bumaba ang playing time ni Gozum sa kanyang second year.

Naglaro lamang ito ng tatlong beses na may kabuuang halos pitong minuto.

Nilinaw ni Gozum na wala pa itong lilipatang koponan.

“Wala pa (school na lilipatan). Doon ako sa school that fits my playing style,” aniya.

Maugong na ang usap-usapang isa sa University of Santo Tomas at National University ang posibleng lipatan ni Gozum.

WILL GOZUM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with