Blaze Spikers sinunog ang F2 Cargo Movers

Sinubukan ni Joyce Sta. Rita ng PLDT na mailusot ang kanyang tira laban kina Rachel Austerio at Amy Ahomiro ng Sta. Lucia sa aksyon sa PSL. (PM Photo ni Ernie Peñaredondo)

MANILA, Philippines — Pinatunayan ng Petron kung bakit isa sila sa mga dapat ban­tayan sa torneo.

Magarbong sinimulan ng Blaze Spikers ang kanilang kampanya sa 2019 Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference nang walisin ang nagdedepensang F2 Logistics Car­go Movers, 25-22, 25-23, 25-18, kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Bumandera para sa Petron si Sisi Rondina na nagrehistro ng 17 points sa likod ng 15 attacks, habang nag-am­bag ng 16 markers si Ai­za Maizo-Pontillas.

“Sobrang ganda ng ini­laro ng team, but of course in-expect namin na talagang pipitpit ‘yung kalaban namin,” ani Blaze Spi­kers head coach Shaq delos Santos. “Kasi knowing them, sabi ko nga sa ka­nila alam natin ‘yung quality niyan kahit lu­ma­mang tayo pipilitin ni­lang mahabol tayo hanggang sa maipanalo nila iyan.”

Simula pa lang ay uminit na agad ang 2018 runner-up nang iposte ang 23-13 bentahe sa first set bago nakadikit ang Cargo Movers sa 22-24.

Ang crosscourt attack ni Ces Molina ang tu­mapos sa laro.

Dire-diretso na ang Petron ang kanilang do­minasyon sa sumunod na dalawang sets at hindi na pinayagang ma­ka­kuha ng momentum ang F2 Logistics.

Naging mainit naman ang pagbabalik ni Gretchel Soltones at ina­­kay ang PLDT Home Fibr Power Hitters sa 25-19, 25-19, 25-13 panalo kontra sa Sta. Lucia La­dy Realtors.

Kumubra ang dating San Sebastian standout ng 12 points mula sa 8 attacks, 3 aces at 1 block para sa Power Hitters.

 

 

Show comments