MANILA, Philippines — Isang karangalan para kay Filipino-Hawaiin skipper Kalei Mau na muling makaharap sa loob ng volleyball court ang magkapatid na Santiago.
Huling nakaharap ni Mau sina Dindin at Jaja sa semifinals match ng 2019 Philippine Superliga All-Filipino Conference kung saan napatalsik ng F2 Logistics niya ang Foton ng magkapatid para angkinin ang unang Finals spot.
Magkagayon man ay malaki pa rin ang respeto at paghanga ng 6-foot-2 outside hitter sa magkapatid at excited na siya na makasama ang dalawa sa national team.
“Awesome. It’s an honor to be on the court with them, they’re such great athletes such smart volleyball players. They play at such a high level and I it made me even more excited to be on the national team with them,” ani Mau.
Kasama ang magkapatid at si Mau sa 22-man national pool ng women’s volleyball team na sasalang sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre.
Pero hindi pa sigurado kung makakapaglaro para sa bansa si Jaja dahil kailangan nitong bumalik sa Japan para sa kanyang stint sa V. Premier League.
Samantala, ito naman ang unang Finals appearance ni Mau sa PSL mula nang sumabak noong 2018 sa ilalim ng Cocolife at United Volleyball Club bago tumalon sa F2 Logistics at ito raw ang isa hindi malilimutang bahagi ng kanyang karera.
“I feel so pumped. I’m excited for it and I think it’s gonna be the most me-morable time of volleyball in my career,” panapos niya.