Unahan ang Cignal at Petron

MANILA, Philippines — Tuloy ang laban ng da-lawang bigating koponan para sa huling upuan sa Fi­nals ng 2019 Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference.

Maghaharap sa ‘do-or-die’ semifinals match ang defending champions na Petron Blaze Spi­kers at Cignal HD Spi­kers para makaabante sa championship round nga­yon sa The Arena sa San Juan City.

Nagawang manggulat ng HD Spikers nang bu­rahin nila ang ‘twice-to-beat’ advantage na hawak ng Blaze Spikers sa likod ng kanilang come-from-behind victory, 25-20, 10-25, 16-25, 27-25, 15-11 no­ong Martes.

Nag-init para sa Cignal ang tambalan ng dala-wang beteranong sina Ra­chel Ann Daquis at Jo­velyn Gonzaga na nagre-histro ng 21 at 15 marka, ayon sa pagkakasunod.

Naniniwala si Cignal head coach Edgar Barro­ga na mas mabigat na pressure ang nasa balikat nga­yon ng Petron pero mag­kagayon man ay bi­bigyan pa rin nila ito ng ma­gandang laban.

“Palagay ko ‘yung pressure ngayon nasa ka­nila kasi ngayong nothing to lose na kami, bibigyan na lang namin siguro ng magandang laban ‘yun at saka pag-eensayuhan namin si­la. Siguro ‘yun na lang,” ani Barroga.

Sasandalan muli ng Cig­nal sina Daquis at Gon­zaga kasama sina Ja­nine Navarro, Mylene Pa­at, Alohi Robins-Hardy, Ranya Musa, Roselyn Do­ria at Jheck Dionela.

Sa panig naman ng Petron, inaasahan na nila na magiging dikit ang la­ban nila kontra sa Cignal kaya’t wala silang ma­gag­awa kundi tanggapin ang kanilang pagkatalo at bumalik at bumawi para madepensahan nila ang ka­nilang korona.

Kung sinuman ang ma­nalo ay makakaharap ang F2 Logistics na una nang nakalusot sa Finals matapos patalsikin ang Fo­ton, 25-19, 25-23, 17-25, 25-19.

Show comments