^

PM Sports

Parks, Perez patok para sa Best Player of the Conference

Pang-masa
Parks, Perez patok para sa Best Player of the Conference

MANILA, Philippines — Napanatili nina rookies Bobby Ray Parks Jr. ng Blackwater at CJ Perez ng Columbian ang kanilang 1-2 positions sa Best Player of the Conference race matapos ang semifinals ng 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Ito ay kahit pa hindi na umabot sa Final Four ang kanilang mga koponan matapos ngang malaglag ang Elite ni Parks Jr. sa quarterfinals habang nasibak naman agad sa eliminasyon ang Dyip ni Perez.

Pero dahil sa pambihirang averages nina Parks (22.1 points, 7.1 rebounds, 3.4 assists) at Perez (22.7 points, 7.1 rebounds, 3.9 assists) ay hindi sila natinag sa primera at segunda puwesto ng pinakaprestihiyosong indibidwal na parangal ngayong mid-season conference hawak ang 37.2 at 36.1 statistical points, ayon sa pagkakasunod.

Umakyat naman na sa top five sina Jayson Castro (33.7 SPs) ng Talk ‘N Text, June Mar Fajardo (32.9 SPS) ng San Miguel at Robert Bolick ng Nortport (32.46 SPs).

Kinumpleto nina Sean Anthony (32.45 SPs) ng Batang Pier, Chris Banchero (31.1 SPs) ng Alaska, Mo Tautuaa (30.9 SPs) ng Northport, Roger Pogoy (29.4 SPs) ng TNT at Matthew Wright (29.4 SPs) ng Phoenix ang top 10 BPC candidates papasok sa Finals ng import-laden conference.

Bagama’t nasa ikatlo at ikaapat na puwesto naman ngayon sina Castro at Fajardo, ayon sa pagkakasunod, malaki ang tsansa ng dalawa na maungusan pa rin sa BPC race ang mga lider na sina Parks Jr. at Perez lalo’t sila nalang ang natitirang kandidato matapos pumasok sa Finals ang TNT at SMB.

Gayundin ang magiging sitwasyon sa Best Import race na inaasahang magiging two-way derby na lamang sa pagitan ng natitirang reinforcements na sina Terrence Jones ng KaTropa at Chris McCullough ng Beermen.

Matapos kasing bumuntot lamang sa reigning Best Import na si Justin Brownlee noong eliminasyon, naaagaw na ni Jones ang manibela ng karera hawak ang 58.2 statistical points.

Bumaba sa ikalawa si Brownlee (57.5 SPs) habang lalong lumapit sa ikatlo si McCullough na may 55.7 SPs.

Nalikom ni Jones ang kanyang puntos matapos buhatin sa 3-1 semis series win ang TNT kontra sa Ginebra sa likod ng kanyang rehistro na 30.2 points, 15.7 rebounds, 7.5 assists, 1.5 steals at 2.8 blocks.

Naipon naman ni McCullough ang kanyang SPs matapos ding buhatin sa parehong 3-1 semis seris victory ang Beermen kontra sa Rain or Shine sa averages na 33.0 markers, 13.5 boards, 3.3 assists, 1.5 steals at 2.5 blocks..

BEST PLAYER OF THE CONFERENCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with