^

PM Sports

Gilas Youth sasagupa sa Argentina

John Bryan Ulanday - Pang-masa

FIBA U19 World Cup

MANILA, Philippines — Matamis na higanti ang pakay ng Gilas Pilipinas youth squad ngayon sa pagsagupa sa Argentina sa pagpapatuloy ng kanilang kampanya sa 2019 FIBA U19 World Cup sa Heraklion Arena sa Greece.

Sisiklab ang aksyon sa ala-una ng madaling araw (Manila time) kung saan susubok ang Nationals na maipagpag ang masaklap na debut loss nito kontra sa home team na Greece upang makaiskor ng unang panalo sa  world youth championships.

Subalit hindi magiging madali iyon lalo’t sasalang sa duwelo ang Gilas youth na hindi na makakasama ang isang bahagi ng twin tower nitong si AJ Edu.

Sa unang laban nila kontra Greece, nadale ang 6’11 na si Edu ng knee injury sa 7:57 marka ng unang kanto at hindi na nakabalik pa sa laro.

Ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas sa pamamagitan ni Gilas physical therapist George Yo-robe, posibeleng nagtamo ng ACL at meniscus tear injury si Edu sa kanang tuhod kung ibabatay sa initial findings ng kanyang MRI test na sa Lunes pa malalaman ang opisyal na resulta.

Sa pagkawala ni Edu ay maiiwan ngayon kay Sotto ang misyon na banderahan ang Nationals matapos mauwi sa wala ang kanyang 13 puntos, 10 rebounds at 3 supalpal na outing kontra sa world no.15 na Greece.

Sa katunayan kahit wala na si Edu sa first quarter pa lang ay umalagwa pa sa 22-12 abante ang Gilas youth bago nga tumirik sa dulo tungo sa 69-85 kabiguan.

Upang magkaroon naman ng tsansa kontra sa world no. 9 na Argentina, kailangan ni Sotto ng tulong lalo’t sina Gerry Abadiano at Dave Ildefonso lang ang nakapagpamalas noong unang laban sa kanilang 13 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Inaasahan ni head coach Sandy Arespacochaga na magpapasiklab kasama ang iba pa nilang gunners na sina Dalph Panopio, Terrence Fortea, Xyrus Torres, Migz Oczon at James Spencer gayundin ang big men na sina Rhayyan Amsali, Geo Chiu at Carl Tamayo na nagkasya lang sa 22.6-porsyento mula sa tres.

Para sa pakay ng Argentina, bronze medalist ng FIBA U19 Americas Championship, na makaabante sa World Cup ay mangunguna sina Francisco Caffaro at Juan Carlos Marcos na naglista ng 17 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod sa 86-84 panalo nila kontra Russia.

Ang Greece na hangad ang ikalawang sunod na panalo kontra sa Russia ay babanderahan nina Nikolaos Arsenopoulos (18 points, 3 rebounds) at Aristotelis Sotiriou (16 points, 9 rebounds, 2 assists) matapos bumida sa panalo nila kontra Pinas.

 

GILAS YOUTH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with