^

PM Sports

Kailangan nating magkaisa- Ramirez

Francisco Cagape - Pang-masa
Kailangan nating magkaisa- Ramirez
Ricky Vargas, William Ramirez at Monsour del Rosario

MANILA, Philippines — Kailangan umano ng Philippine Olympic Committee ang pagkakaisa para maayos ang mga gulong hinaharap nito nga-yon, ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez kahapon.

Ito ang reaksyon ni Ramirez sa balitang iniluklok siya ni POC President Ricky Vargas bilang bagong Chief of Mission para sa 2019 Southeast Asian Games na gagana­pin dito sa bansa kapalit sa tinanggal na si dating Ma­kati Rep. Monsour Del Rosario.

“No comment ako di­yan. Kasi busy ako sa aming grassroots deve-lop­ment program with the DepEd and the different local government units (LGUs).  They (POC) have to be united to be able to resolve whatever problem there may be. If they get united, tingnan natin,” sabi ni Ramirez.

Ang 30th Sea Games, ang ikaapat na hos­ting ng bansa ay gaganapin sa Nobyembre 30 hanggang sa Disyembre 11 sa Clark-Angeles City, Subic, Tagaytay City at Metro Manila.

Kung matatandaan ay si Ramirez rin ang Chief of Mission nang ginawa dito sa Pilipinas ang Sea Games noong 2005 kung saan nakamit ng Team Philippines ang overall title sa unang pagkakataon simula noong 1977.

Si Ramirez na rin ang PSC chairman sa panahong iyon.

Isa ang Philippine Taekwondo Association sec­re­tary-general na si Del Rosario sa mga tinanggalan ni Vargas ng posisyon sa mga key committees ng POC sa ginanap na POC General Assembly kaha­pon sa Max Restaurant ng Kapitolyo, Pasig City.

Ang ibang tinanggalan ng posisyon ay sina da­ting POC president Jo­se ‘Peping’ Cojuangco bi­lang chairman ng cons­ti­tution and by-laws committee at squash presi-dent Robert Bachmann bi­lang head ng membership committee.

Tinanggal din si POC first vice-president Joey Romasanta bilang chief of mission sa 2020 Olympic Games sa Tok-yo, Japan. Napabalita ring si POC chairman at Ta­gaytay Rep. Abraham “Bambol” Tolentino ang ipinalit kay Romasanta.

Ayon naman kay Romasanta, hindi valid ang pagkakatanggal sa kanila dahil hindi ito desisyon ng POC General Assembly.

MONSOUR DEL ROSARIO

RICKY VARGAS

WILLIAM RAMIREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with