Petron at PSL sa PSA Forum

MANILA, Philippines — Pamumunuan ng mga opisyales ng Philippine Super Liga (PSL) at reigning back-to-back Grand Prix champion Petron ang mga bisita sa isang all-volleyball session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong umaga sa Amelie Hotel-Manila.

Darating ang mga miyembro ng Petron coaching staff kasama ang mga players na sina Mika Reyes, Denden Lazaro, Rhea Dimaculangan at iba para ikuwento ang kanilang naging championship series ng F2 Logistics na nagtapos sa Game Three sa kanilang PSL title series.

Makakasama nila sa sesyon na inihahandog ng San Miguel Corp., Tapa King at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang mga PSL executives na pinamumunuan ni president Phi-lip Ella Juico.

Matapos ang matagumpay na Grand Prix ay iba-bahagi ni Juico ang mga plano ng liga ngayong taon.

Makakatuwang ni Juico sina PSL chairman Dr. Ian Laurel, officials Ariel Paredes at Ginio Panganiban at Jed Montero ng Mariners Pilipina Lady Spikers.

Show comments