Perez nagpasiklab

MANILA, Philippines — Matapos si No. 3 overall pick Robert Bolick ng NorthPort, si top overall selection CJ Perez naman ang nagpasikat sa kanyang PBA debut.

Humataw si Perez ng 24 sa kanyang team-high na 26 points sa se-cond half para tulungan ang Dyip na talunin ang four-time champions na San Miguel Beermen, 124-118 sa 2019 PBA Philippine Cup kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Nauna nang tumipa si Bolick ng 26 markers sa 117-91 pagbugbog ng Batang Pier laban sa Blackwater Elite noong Miyerkules.

Humakot naman si small forward Jackson Corpuz ng 21 markers, 11 rebounds at 3 blocks, lahat ay ga-ling kay five-time PBA Most Valua-ble Player June Mar Fajardo ng San Miguel tungo sa unang panalo ng Columbian.

Binanderahan naman ni one-time PBA MVP Arwind Santos ang Beermen mula sa kanyang 34 points.

Hindi natapos ni three-time sco-ring champion Terrence Romeo ang unang laro niya para sa San Miguel matapos magkaroon ng sprained left ankle sa dulo ng third quarter kung saan siya kumonekta ng isang three-point shot at dalawang free throws para sa kanilang 86-85 abante laban sa Columbian.

Nagpasabog si Perez, nalimitahan sa 2 points sa first half ng 13 markers sa third period para ibigay sa Dyip ang 74-67 abante bago naagaw ng Beermen ang 94-90 bentahe mula sa dalawang magkahiwalay na triple ni big man Kelly Nabong sa pagsisimula ng final canto.

Muling napasakamay ng Columbian ang kalamangan sa 114-112 matapos ang basket ni Perez sa 2:37 minuto ng labanan na sinundan ng split ni Fajardo para idikit ang San Miguel sa 113-114.

Nagsalpak naman si Rashawn McCarthy ng krusyal na triple kasunod ang tatlong free throws nina Perez at veteran center Jay-R Reyes para sa 120-113 bentahe ng Dyip sa nala-labing 25.4 segundo.

Show comments