MANILA, Philippines — Patitibayin ng Arellano University at San Beda ang pagkapit sa top spot sa pagsagupa sa Mapua University at Lyceum of the Philippines University sa women’s division ng 94th NCAA volleyball tournament ngayon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.
Kapwa may 2-0 record ang Lady Chiefs at Lady Red Spikers kasosyo ang San Sebastian Lady Stags sa liderato.
Lalabanan ng Arellano ang Mapua sa alas-2 ng hapon matapos ang laro ng San Beda at Lyceum sa alas-12 ng tanghali.
Nagmula ang Lady Chiefs sa 25-17, 20-25, 25-18, 18-25, 16-14 paggiba sa College of St. Benilde noong nakaraang Martes.
Humataw sina Nicole Ebuen, Princess Bello at 2017 Finals MVP Regine Anne Arocha ng 22, 18 at 14 hits, ayon sa pagkakasunod, para sa Arellano.
Umiskor naman ang Lady Red Spikers ng 25-19, 25-22, 20-25, 25-26-24 panalo laban sa Jose Rizal Lady Bombers.