^

PM Sports

Nakawala ang medalya kay Saso

Pang-masa

BUENOS AIRES - Kumawala kay national golfer Yuka Saso ang tsansang makakuha ng medalya matapos ang krusyal na pagkakamali sa three-way playoff sa 2018 Youth Olympic Games kahapon dito.

Lumagpas sa butas ang bolang itinira ng 17-anyos na Filipino-Japanese na tumapos sa kanyang pag-asang makapag-uwi ng posibleng bronze medal para sa Team Philippines sa women’s individual golf.

Nakalaban ni Saso, ang double-gold medal winner sa nakaraang 18th Asian Games sa Indonesia, sa playoff sina Alessia Nobilio ng Italy at Emma Spitz ng Austria makaraang isara ang final round na magkakatabla sa 214.

Humataw si Kim Grace ng Australia ng one-over 71 para sa kanyang 211 patungo sa pag-angkin sa gold medal sa Hurlingham Club.

“Malamig po talaga, pati lips ko dry na,’’ wika ni Saso na nanguna sa final round sa kanyang one-under 69.

Naipasok naman si Nobilio, nanguna sa magkasunod na dalawang araw, ang hole No. 1 sa playoff para sikwatin ang silver medal habang si Spitz ang tumalo kay Saso sa agawan para sa bronze medal.

Sa men’s side, nabigo rin si Carl Jano Corpus na makapasok sa medal round makaraang tumapos sa No. 16 katabla si South Korean Sangha Park.

Ang dalawa ay kapwa 17 strokes ang agwat kay eventual champion Karl Vilips ng Australia.

Magtatambal sina Saso at Corpus sa mixed team event na magsisi-mula ngayon.

Samantala, hangad naman nina kiteboarder Christian Tio at archer Nicole Olive na makapagbigay ng medalya sa bansa.

“May chance pa tayo sa (golf) team event and we still have two other athletes who will be competing,’’ sabi ni Go.

YOUTH OLYMPIC GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with