^

PM Sports

May natutunan si Agravante; may solusyon na si Hallasgo

Russell Cadayona - Pang-masa
May natutunan si Agravante; may solusyon na si Hallasgo
Nasa larawan ang mga kampeong sina Christine Hallasgo (kaliwa) at Jeson Agravante (kanan)
Jun Mendoza

Magsama-sama, tumakbo, matuto sa Milo Marathon
MANILA, Philippines — Ginamit ni Jeson Agravante ang natutunang leksiyon sa kanyang karanasan sa Milo Marathon noong nakaraang taon upang magtagumpay.

Naging susi naman ang pagtakbo ng 25-anyos na si Christine Hallasgo para masolusyunan ang kanyang problema sa kanilang bahay sa Malaybalay, Bukidnon.

Nagrehistro ang 29-anyos na si Agravante, ang 2016 Milo National champion ng bilis na dalawang minuto, 35 minuto at 10 segundo para pangunahan ang men’s 42-kilometer race kasunod sina Erick Paniqui (2:42:41) at Bryan Quinco (2:43:59) sa 42nd National Milo Marathon sa ipinamalas  sa Metro Manila leg kahapon sa MOA grounds sa Pasay City.

Nabigo ang tubong Silay City, Negros Occidental na maidepensa ang kanyang korona noong nakaraang taon sa Cebu City kaya bumawi siya ngayon.

“Kulang talaga ako sa training last year, kaya after ng national finals nag-training kaagad ako. Natuto na ako ng leksyon ko,” sabi ni Agravante. “Talagang pinaghandaan ko ito. Nag-training ako ng four months kasi ayoko ng mangyari ‘yong kagaya sa 2017 National Finals na hindi ko natapos ‘yung karera.”

Nagtala naman si Hallasgo, pansamantalang iniwan ang isang taong gulang na si baby girl Crisha Mae sa kanyang asawa sa Bukidnon, ng tiyempong 3:05:17 para ungusan sina Jho-an Villarma (3:14.28) at Cinderella Lorenzo (3:17.46).

“Sumali ako dito sa Manila leg ng Milo para makabili ng maliit na bahay kasi po pinapaalis na kami sa tinitirhan namin,” ani Hallasgo. “Hindi kasi sa amin ‘yung lupang tinitirikan ng bahay namin, tapos naibenta na ng may-ari.”

Sina Agravante at Hallasgo ay tumanggap ng premyong tig-P50,000 at awtomatikong makakatakbo sa National Finals sa Disyembre 9 sa Laoag, Ilocos Norte.

Mula sa Manila ay dadalhin ang qualifying legs sa Tarlac (Agosto 26), Batangas (Setyembre 16), Lucena (Setyembre 30), Iloilo (Oktubre 7), Cebu (Oktubre 14), General Santos City (Oktubre 21), Butuan (Nobyembre 11) at Cagayan De Oro (Nobyembre 18).

Samantala, tumapos naman si actress/model Solenn Marie Heussaff (0:55:56) sa No.10 place sa women’s 10km event na pinagreynahan ni Meagey Ninuna (0:40:24).

“I really trained for this event,” sabi ni Heussaff. “Masaya naman ako sa naging experience ko.”

Si Marvin Guarte (0:34:04) ang bumandera sa men’s division.

Sa 21km race, namuno naman sina Nhea Ann Barcena (1:31:02) at Richard Solano (1:08:46), habang sina Joida Gagnao at Camino Immuel ang bumandera sa women’s at men’s 5km mula sa kanilang itinalang 0:18:39 at 0:15:18, ayon sa pagkakasunod.

JESON AGRAVANTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with