MANILA, Philippines — Dinaig ni Filipina Woman Grand Master Janelle Mae Frayna si Swedish Andreas Persson para pumasok sa Top 20 matapos ang eighth round ng XX Obert Internacional Sant Marti 2018 sa Barcelona, Spain noong Biyernes ng gabi.
Sumosyo ang 22-anyos na si Frayna sa 19th spot mula sa kanyang 5.0 points at nakatakdang labanan si Cuban International Master Alexey Fernandez Cardoso sa ninth at final round kagabi.
Ito ang ikaapat na panalo ni Frayna sa torneo kasama ang 2 draws at 2 loss.
Ginagamit ni Frayna ang 51-day European campaign para makamit ang men’s GM title.
Naghahanda din ang Far Eastern University cum laude sa pagbandera sa Philippine women’s team sa 2018 World Chess Olympiad sa Setyembre sa Batumi, Georgia.
Kasama ni Frayna sa torneo si International Master John Marvin Miciano at kanilang coach na si GM Jayson Gonzales.