^

PM Sports

Gilas magtutungo sa Taiwan para sa Asian Qualifiers

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bibiyahe patungong Chi­nese-Taipei ang Gilas Pilipinas sa Hunyo 25 para sa krusyal na third at huling window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Lalaban ang Natio­nals kontra sa home team na Taiwan sa Hunyo 29 sa Taipei Heping Basketball Gymnasium bago naman salubungin ang Australia sa Hulyo 2 para sa home game sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Bagama’t buong pu­wer­sa na sa pagdating ng naturalized player na si Andray Blatche noong nakaraang Sabado ay isang beses pa lamang na­ka­kapagsanay ang buong koponan ng Gilas Pilipinas na ikinakabahala ni coach Chot Reyes.

Bunsod ng mga la­ro ng Gilas players sa ka­nilang mother teams sa idi­naraos na Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup ay tuwing Lunes lamang nakapagsasanay ang koponan.

“Sa 25 ang alis natin pa-Taipei. When we get to Taipei, that’s also the first practice we will have as a full team,” ani Reyes.

Magkakaroon ng  apat na araw na pag­sasanay ang Gilas Pilipinas ba­go ang laro kontra sa host team na Taiwan na balak nilang ulitan ng panalo matapos ang 90-83 ta­gumpay sa una nilang paghaharap sa first window noong nakaraang Nob­­yembre sa Smart-Ara­neta Coliseum.

“Wala na, tinanggal ko  na  sa isip ko yung pre­paration eh. That’s a dream. So we’ve taken that word preparation out of our vocabulary. We’re just making do with what we have,” saad ni Reyes sa isa namang maikling preparasyon ng koponan.

Sa ngayon ay naki­ki­­pagsanay si Blatche araw-araw kasama ang ko­ponan ng TNT Katro­pa upang mapanatili ang kundisyon habang hinihintay ang Lunes na siyang tanging ensayo ng koponan bago tumungo sa Taipei.

May hawak na 3-1 kar­tada sa likod ng wala pang talong Australia (4-0), swak na susunod na round ang Gilas ngunit hangad na maparami pa ang panalo  bunsod ng carry-over format sa next phase.

“This last window is all about improving our position in the next round. So, we’re not even thinking about the fact na pasok na tayo,” pagtatapos ni Reyes.

Upang magbigay suporta naman sa kampan­ya ng pambansang kopo­nan ay walang larong isa­sagawa ang PBA mula sa Hunyo 25 hanggang Hulyo 3.

 

ASIAN QUALIFIERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with