Buwenamano ang Warriors
Durant, Thompson at Curry bumida
HOUSTON — Alam ni Kevin Durant na inspiradong maglalaro ang mga Rockets sa kanilang conference championships series.
Kaya naman dapat itong lampasan ng mga Warriors.
“We’re in the Western Conference Finals they are going to come out with a lot of energy,” sabi ni Durant. “We’re going to take that first punch and keep punching.”
Nagpasabog si Durant ng 37 points, habang nagdagdag si Klay Thompson ng 28 markers para ihatid ang Golden State sa 119-106 paggupo sa Houston sa Game One ng kanilang Western Conference Finals.
Tumapos naman si Stephen Curry na may 18 points para sa Warriors, nasa kanilang conference finals para sa franchise-record na ikaapat na sunod.
Ito naman ang una para sa Houston, nakahugot kay James Harden ng 41 points, simula noong 2015 kung kailan nanalo ang Golden State, 4-1.
Ito ang unang playoff series ng Warriors na wala sila sa Oakland, California simula noong 2014.
Sa balwarte pa rin ng Rockets gagawin ang Game Two sa Huwebes (Manila time).
“You’re not going to come in and just knock them out,” wika ni Houston coach Mike D’Antoni. “There were too many times where we had mental lapses. We didn’t switch properly, turned the ball over and missed too many layups. We need to do a better job of staying up mentally.”
Nakabawi ang Golden State mula sa nine-point deficit sa first period bago nakatabla sa halftime.
Ang three-point shot ni Eric Gordon ang nagdikit sa top-seeded na Rockets sa four-point deficit sa pagbubukas ng fourth period bago tumipa si Thompson ng walo sa pinakawalang 13-4 ratsada ng Warriors para sa kanilang 100-87 paglayo sa walong minuto nito.
Bumandera naman si Harden para idikit ang Houston sa 96-103 sa huling limang minuto.
Nagsalpak si Thompson ng triple para ibigay sa Warriors ang 10-point lead sa huling apat na minuto ng labanan.
“He’s one of the best scorers ever,” pagpuri ni D’Antoni sa 6-foot-8 na si Durant. “I thought he was extremely good. But we can withstand that. We can’t withstand turning the ball over and giving up so many wide open 3s.”
- Latest